Hayayay. Tama na nga itong mga walang awang cravings pati na rin ang pagpuna sa umpisang bahagi ng TVC. Di bale, sa susunod na taon na lang pagbalik ko sa Pilipinas ako kakain ng madami niyan, sabay aaliwin ko ng walang patid ang aking sarili sa naturang patalastas hanggang sa maumay ako sa manok at sa boobs ni kuya.
Medyo magkakahalong emosyon ang naramdaman ko sa panonood nito. Nakakaawa na nakakaaliw lang eh. Kaya para sa mga kagaya kong naghahanap ng masarap na crispy prayd tsiken, tara na at magprito! Bon appetit!
No comments:
Post a Comment