Total Pageviews

Thursday, September 15, 2011

Mindgraine

Bago ang lahat, gusto ko lang po liwanagin na hindi ako isang dalubhasa ng wika o nagtapos sa sining ng pakikipag- usap. Yan ay dahil sa isa po akong Psychology. 

Joke. Sorry, Marian Rivera, for the mockery. Hehe.

Anyway, sobrang trip ko lang talaga magsalita (meaning chumika), magbasa (ng kapalaran), magsulat (sa listahan kasi makakalimutin ako), at tumawa. Nakakaintindi ako sa karaniwang gawi ng pakikipag- talastasan. Kung ano man ang natutunan ko sa paggamit ng English at Filipino, sinusubukan kong gamitin yan ng maayos at sa paraang kaya ko... (ayos!)

Hindi dahil naka- graduate na ako sa pag- aaral ay hindi na ako sumisilip sa dictionary at thesaurus. Wala rin naman akong mga quota- quota gaya ng matuto ng at least one new word per day. Basta lang, gagamit ako ng mga libro na yan o di kaya'y titingin sa internet kapag yung tipong patungo na ako sa redundancy, pag gusto ko ng bago sa pandinig, at kung kapit na ako sa patalim sa panghuhula ng kahulugan ng ilang elyen na salita. Mahilig din ako sa pagkuha ng etymology. Ang nakaka- praning lang naman isipin ay yung kung bakit nag- self study ako ng Bekimon. So far, achieve naman kahit paano; aiming for black becky belt na.

Ngayon, ang hindi ko lang gusto ay yung kung gumagamit ang iba ng wika tapos hindi naman pala nila kayang panindigan gamitin iyon, hanggang sa hindi na sila naiintindihan ng kanilang kausap. Ang TagLish ay tanggap na sa panahon ngayon. Depende yan sa intensyon at sitwasyon. Pero PAALALA: Huwag maging ubod ng ARTE kung magta- Taglish. May iba rin na mahilig sa mga expressions at words na narinig lamang nila sa kung kanino man ngunit hindi naman pala nila alam kung tama ba yung pagkakagamit nila o hindi. Kumbaga, bo- malabs.

Mga Sample: 

a) Hindi ko naman pwedeng sabihin sa tatay ko na mahal ko siya sa ganitong paraan diba: "Huy, pudak! Lovelya kitetch!" Malamang ma-award ako nun at banatan ako sa vernacular niyang Panggalatok. Siyempre, hindi siya makaka- relate sa ginamit kong wika, kaya dapat hindi yun ang sinambit ko. Kailangan kasi ay level lang.

b) Kapag nag- English pero trying hard masyado, naku, walking deadz ka na. Oo, nakukuha ko'ng minsan kailangan magpa- impress, basta dapat yung sa paraang hindi kumplikado. Paano kung job interview yan, at sa sobrang pagpapasikat eh pinaikot ka na pala ng interviewer? Tapos ako pa pala yung HR na nag- iinterview o, haha! Nabiktima ka tuloy ng Competency Based Targeted Selection tactics! Bottomline, masasagot mo pa ba ng tama ang mga tanong kung pati sa sarili mong English ay naguguluhan ka rin?


Naalala ko tuloy yung isa kong chicks na kaibigan, pati na rin yung mga moments namin na nagkukulitan habang nag- uusap (over a bucket). May isa na gusto nang magpahulas ay sasabihin ito: "Hey, let's call it tonight!" (para sa let's call it a night!). O di kaya: "Huwaw, it's a blessing in the sky!" (it's a blessing in disguise!). Tawanan trip lang talaga eh. Mga sounds like.

Heto pa yung ibang sounds like na alam ko:

1) Ats if! = AS if!
2) The nerd = The NERVE
3) Connect me if I'm wrong. = CORRECT me if I'm wrong.
4) Nitty gritty =  Gritty nitty (binaligtad eh, haha!)
5) I'm sick of tired! = I'm sick AND tired
6) I hope you don't mine. =  I hope you don't MIND.
7) Please don't make fond of me =  Please don't make FUN of me.
8) No offensement = No offense MEANT.


Basta, ganon lang. Mag- isip muna ng mabuti bago magsalita. Pakinggan ang sarili kapag nakikipag- usap. Huwag padalos- dalos kung hindi ka sigurado. Pag- aralan ang mga kahulugan at panuto ng sawikaan ng mahusay (lalo na yung subject- verb agreement!). Magbasa. Mag- rehearse! Kailangang komportable ka sa iyong wika. Tandaan na ang paggamit mo nito ay isa sa pinaka- mabisa at pinaka- maaasahang paraan upang makilala ka. Importanteng 'di magkaroon ng mindgraine ang kausap mo, unless...sinasadya mo talaga. O, ayan. Admittedly, mahilig ako manadya. Sana lang ay huwag mahipan ng hangin ang dila ko. 




4 comments:

  1. think before you talk.agree! cute post!:))

    ReplyDelete
  2. People find it cliché but we don't realize that this should always be the case to avoid further conflict or embarrassment. Thank you for your remark!

    ReplyDelete