Total Pageviews

Wednesday, March 13, 2013

Marso Polo

Marso na! Dalawang buwan mula ng gumawa ka ng mga kalokohang resolutions na ‘yan nung Enero ay nasaang estado ng buhay ka na ngayong 2013? Ako man ay mistulang nabibilisan din sa takbo ng panahon eh. Agad- agad lagi! Kaka- Christmas lang kaya; sabay summer na ulit? Project Balik Alindog na naman pati, eh di pa nga bumababa yung kinain ko nung New Year eh! 

Ngunit wala namang magagawa kundi umusad ng umusad, tumakbo ng tumakbo, at siguraduhing nakakakapit sa sanga na inaagos. Yung mga pagbabago, normal lang yan na kailangang sakyan araw- araw. Dumami na nga ang uso; ‘di ko alam kung sasabay pa ako.

Sa sobrang dami ng trip ng madla ngayon, 'eto yata ang listahan ng mga dapat ko’ng itanong nang di ko maturing ang aking sarili na kabilang sa mga ume- ermitanyo mode:

1)     Ano ang meron sa Candy Crush Saga at nagkakagulo ang lahat dito?

2)     Mga ilang buwan pa bago ko makita ang benepisyo ng Phewtick?

3)     Bakit binebenta pa yung mga piso fare deals na’to kung inuubos din agad ng mga travel agencies yung slots?

4)   Bakit tahimik ang Malacañang tungkol sa mga Pinoy na inaaresto at kinikitil ang buhay sa Sabah?

5)  Bakit ang perfect- perfect pa rin ni Zooey Deschanel para sa'kin?

6)  Sino 'tong si Daniel Padilla at laging trending sa Twitter? Hashtag WHO? Nese kenye ne beng lehet et negmemehel sye neng tepet?

7)  At bakit nauso itong Harlem Shake? Ako nalang ba ang walang bidyo na nagsasayaw nito???

8)  Ano kaya ang wala kay Sir Chief at di ako adiktus at magpapakamatay para makapanood ng Be Careful With My Heart?

9)  Bakit solid yung hype ng JCo at IHOP sa Pinas at dito naman sa SG ay Jollibee yung patok at may long queue?

10) Bakit ang tagal ng bagong episode ng Tales From The Friend Zone??!

Ngayon, hindi ko alam kung wala lang akong gana alamin kaya 'di ko binigyan ng oras ang paghalukay sa mga kasagutan sa mga tanong na yan. Samakatuwid, maaaring wala akong interes at pake kung may bagong hoopla sa mundo habang ako ay nagha- have fun sa aking sariling universe. Sana bago matapos ang Marso ay medyo maliwanagan ako sa mga bagay na yan para hindi ako magmukhang mangmang sa mga trip ng madla lately. Mahirap na; baka masabihan ng wagas na "You don't do that to me!" eh.

Hahahaha! :D


Lyrics of the Quarter:

"YOLO, say No- No. Isolate yourself and just roll solo. Be careful - o. You ought to look out also stands for YOLO!!!"     - The Lonely Island Feat. Adam Levine and Kendrick Lamar; An SNL Digital Short




No comments:

Post a Comment