Anyhoo, dahil bagong taon na nga ay nagsi- sulputan din ang mga bagong trip at pakulo. Pero eto, astig ang DOT sa inilunsad na proyekto para sa turismo ng Pilipinas ngayong pagpasok ng 2012. Well eckchually, nagtaka ako kaninang umaga kasi excited ang mga nasa Twitter at ang ibang taga- media naman eh nainip sa pag- uunveil ng programang ito. At itechiwa pala yon! Ang bagong slogan at website ng gobyerno para i- promote ang Pilipinas.
#ItsMoreFunInThePhilippines
Siyempre, post naman agad ang lola mo sa Facebook!!!
Trending sa Twitter. Props to Secretary Ramon Jimenez, Jr.!
At ano pa nga ba ang sumunod kundi nangolekta ako ng mga tweets mula sa ilan sa aking mga sinusundan. Yung iba, nag- hashtag at pumasa naman sa taste ko. Tapos, pinagtagpi- tagpi ko na sila. EFFORT!
From author Neil Gaiman himself. Wow.
Paalala sa iba diyan, huwag munang magpaka- KJ at negatron! Bad vibes kayo eh. Aminin niyo na okay naman talaga sa atin lalo na ang mga fudamz, lugar, at iba pang interesting na bagay. Yung mga setbacks, yan pa nga ang mas nagpapa- fun eh! Kung tungkol naman sa ka- EPAL- an ng mga tao (when the word 'EPAL' is of frequent usage in the country), huwag kang mag- alala. Kahit saan meron niyan at wala kang kawala. May multo pa kamong kasama.
Ayaw mo pa rin pumayag? Hala, sige, magbalot- balot ka na at gumawa ka ng paraan para makalayas ng Pinas. Fly ka na papuntang Uranus. Basagan pala ng trip ha.
TANONG: Eh bakit ako nasa Singapore? Mahabang kuwento. Read all about it here. Nosebleed factor. Naging isang matinding sagupaan sa utak ko ang #ItsMoreFunInThePhilippines VS #ThePayIsMoreInSingapore na ito ilang buwan nang nakakaraan!
Basta, I'm proud to be Pinoy kasi nga naman, no matter what, #ItsMoreFunInThePhilippines. SOLID.
To cap this off, here are some photo memes. Enjoy enjoy, chickenjoy!
Of course, hindi ako magpapatalo sa paggawa ng photo meme at meron din ako:
![]() |
Jeanette and I at Star City |
![]() |
Me and Mai at Max's Restaurant |
No comments:
Post a Comment